KUNG BABASTEDIN MO AKO*

(Para sa isang Kaopisinang nabasted at sa kaopisinang bumasted sa kanya)

Kung babastedin mo ako

Wag mo naman sanang sabihin nang diretso

Hinay hinay naman at masakit na ito

Pagkat puso’y sawa nang mabigo,

Kung babastedin mo ako

Pwede bang daanin mo sa isang tula?

Maganda yung may sukat at tugma

Para maranasan ko man lang ang maalayan ng mga talata.

Kung babastedin mo ako

Sana’y “Can we still be friends” ang theme song mo

Nais ko man lang madinig kang umawit

Kahit pag-ibig ko sa iyo’y di ko na maipilit.

Kung babastedin mo ako

Wag mo na akong miskolan o iti-txt man lang

Ayoko nang tumunog ang cellphone ko

Kung hindi naman love quotes ang ipo-forward mo.

Kung paiiyakin mo ako

Bigyan mo sana ako ng tissue

Maramdaman ko man lang na kahit papaano

Na ako’y pinagmalasakitan mo.

Kung isosoli mo ang mga regalo ko

Yakapin mo naman yung teddy bear na bigay ko

Kahit wag na yung mga bulaklak

Pati tsokolateng hindi mo gusto.

Pag tapos na akong lumuha

At tigang na ang mata

Huwag kang maawa dahil lalo akong kawawa

Wag mo akong sisihin kung sa susunod na bukas

Kung di na kita yayain kumain sa labas

Binasted mo na ako, katapusan na nitong mundo

Maghahanap na lang ako ng ibang wawasak sa puso ko.

*unpublished up to this date (may dispute pa kse sa printing ng Andamyo 2005)

Leave a Reply