Huwag na lang sana

Huwag mo na lang akong damayan

Kung naaawa ka lang sa akin

Huwag mo na lang akong lapitan

Kung gusto mo naman akong layuan

Huwag mo na lang akong hawakan

Kung di mo naman sasamyuin ang pagmamahal,

Huwag mo na lang akong samahan sa paglaban,

Kung di kita makakapiling sa tagumpay

Huwag mo na lang akong yakapin

Kung dir in lang mahigpit at taos-puso

Baka lalo lang akong mahulog sa bitag ng iyong pagsuyo

Huwag mo na lang akong kausapin

Kung dir in lang makabuluhan ang iyong sasabihin

Ang nais ko’y katotohanan na lamang sa mundo.

Huwag mo na lang akong awitan

Kung dir in lang sa akin ang iyong pagsinta

Huwag mo na lang akong iduyan

Kung sa huli nama’y ako’y iyong iiwan.

Huwag mo na lang akong hawakan

Kung dir in lang madarama ang iyong saloobin

Wag na lang, sa akin ika’y makipagniig

Kungdi rin lang kasama ang iyong kaluluwa

Huwag na lang tayo’y maghalikan

Kung di rin lang iinit ang pag-ibig mo

Huwag mo na lang akong pangakuan

Kung di rin lang iinit ang pag-ibig mo

Huwag na lang kung guguhit ka ng mga

Hinuhang pang-aliw sa malungkot kong mukha

Wag ka na lang magtayo ng pag-asa

Kung sa buhangin mo ito ihuhulma

Tuyo na ang akung mata ngunit

Nais ko pang tumangis

Piga na ang luha sa aking mga mata

Natigang na ang tubig sa may tulay

Malapit na ring maubos ang aking pasensiya

Kaya pakiusap, huwag na lang

sana

.

Leave a Reply